80,000 Marino mawawalan ng trabaho

MANILA, Philippines - Pinangangambahan na mawalan ng trabaho ang may 80,000 Filipino seafarer kaya hiniling ng isang mambabatas kay  House Speaker Feliciano Belmonte na madaliin ang pagpasa ng House Bill 719  upang mapigilan ito.

Paniwala ni Angkla partylist Rep. Jesulito Manalo, kapag naipasa ang nasabing panukala, ay malaking tulong ito upang makatugon ang mga pinoy seafarers sa European Maritime Safety Agency (EMSA) na base naman sa 1978 International Convention on the Standards of Training Certification and Watchkeeping for Seafarers.

Sa kasalukuyan, ang international seamen na mga  pinoy ay siyang pinakamalaking kontribusyon sa ekonomiya ng bansa na P4.6 bilyon noong 2012

Umaasa  si Manalo na mabilis na maisasabatas ang panukala para sa single maritime administration matapos itong pumasa sa ikalawang pagbasa sa plenaryo.

Iginiit ni Manalo ang kahalagahan ng Marina bill hindi lang para sa kapakanan ng mga Pilipinong seaman kundi para maipakita ng gobyerno na kumikilos ito para makasunod sa 1978    International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers.

Ayon sa kongresista, bagama’t paborito sa international shipping industry ang pinoy seafarers, hindi rin naman isasantabi ng mga may-ari ng barko ang requirements sa pagkuha ng mga tao na dumaan sa standard trainings.

Sa ilalim ng Marina bill, tanging ang Maritime Industry Authority ang  ahensyang mangangasiwa sa trainings ng mga seaman hindi tulad ng sistema ngayon na maraming dinadaanan tulad ng PRC, TESDA at NTC.

 

Show comments