MANILA, Philippines - Tatlumpung-araw na pagsuspinde ang iginawad na parusa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa operasyon ng FloÂrida Transport na may 238 unit matapos masangkot sa aksidente ang isa nilang bus na kumitil sa 14 katao kabilang ang komedyante na si Arvin ‘Tado’ Jimenez at nakasugat 31 iba pang pasahero noong Biyernes.
Isinilbi kahapon ni Eugene Maribao ng legal division ng LTFRB sa Florida Transport sa terminal nito sa Earnshaw St., Sampaloc, Maynila at sa Cubao, QC terminal.
Sinabi ni LTFRB Chairman Winston Ginez, bawal nang bumiyahe ang lahat ng unit ng Florida Transport sa anumang panig ng bansa ngayong natanggap na ang suspension order nito upang bigyang daan ang gagawing imbestigasyon kaugnay ng trahedya at kung ano pa ang maaaring mailapat na parusa.