Pabrika ng lona at kapote nasunog
MANILA, Philippines - Isang pabrika na gawaan ng kapote at lona ang tinupok ng apoy kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Sa ulat ng Pasay City Fire Department alas-5:18 ng madaling-araw nang mag-umpisa ang sunog sa ikalawang palapag ng Limkaco Industries, na pag aari ni Gary Lim na matatagpuan sa Igancio St., kanto ng Park Avenue, Barangay 75 ng lungsod.
Isa umanong malakas na pagsabog ang narinig sa loob hanggang sa magsimula ang pagkalat ng apoy.
Nahirapan ang mga bumbero sa pag-apula sa apoy dahil sa mga laman ng pabrika ay maraming mga kawad ng kuryente ang nakaharang hanggang sa umabot nga ito sa ikaapat na alarma.
Pitong oras bago naapula ang sunog at alas-12:26 ng tanghali nang idineklarang fire-out ang sunog at wala naman iniulat na nasawi o nasugatan na ang danyos ay umabot sa P 5 milyon.
- Latest