MANILA, Philippines - Nabunyag ang reklamo sa mga social media ng netizens tungkol sa paglilimita ng mga telephone companies sa kanilang subscribers ng kanilang unlimited promos.
Kaya kumilos at pinagpapaliwanag ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Globe Telecom at Smart Communications sa bagong panuntunan sa implementasyon ng data cap para daw manatiling maayos ang serbisyo.
Sa ilalim ng fair use policy ng Globe, hanggang 1 gigabyte per day o 3 gigabytes per month lang ang pwedeng gamitin ng bawat subscriber na gumagamit ng unlimited service.
Sa Smart naman ay hanggang 1.5 gigabytes kada araw ang pwedeng gamitin. Ang 1 gigabyte ay halos katumbas lang ng panonood ng isang pelikula sa online streaÂming.
Kung lumampas sa data cap ay hindi naman ititigil ang data service pero ibababa ang signal sa 2g na higit na mabagal kaysa karaniwan.
Ayon sa Globe, tatlong porsyento ng kanilang subscribers ang gumaÂgamit ng malaking bulto ng kanilang serbisyo kaya’t apektado nito ang signal ng iba nilang subscribers.
Sinabi ng mga subscribers na hindi nila nalalaman at hindi sinasabi ng mga telcos ang ganung panuntunan.
Sinabi naman ng NTC na dapat sa simula pa lamang ay naipaalam na ng telcos sa mga subscribers ang limiÂtasyon ng unlimited data service na binabayaran nila bilang proteksiyon ng kanilang mga kliyente.
Hindi mabigyan ng katarungan ang mga reklamo ng subscribers laban sa telcos dahil wala namang matinding batas na nagpaparusa sa mga ito sakaling lumabag sa panunÂtunan ng NTC.