MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na panghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea ay tinawag ni Pangulong Benigno Aquino III na makabagong Hitler ang bansang China.
Ito ang sinabi ni Pangulong Aquino sa interview ng New York Times at patuloy ang kanyang panawagan sa international community na suportahan ang Pilipinas sa pagtatanggol nito sa kanilang teritoryo sa West Philippine Sea na pilit inaangkin ng China.
Aniya, ang ginagawang ito ng China ay walang pinagkaiba sa ginawa noon ni Adolf Hitler ng sapilitang kunin ang Sudetenland na naging ugat ng giyera.
“If we say yes to something we believe is wrong now, what guarantee is there that the wrong will not be further exacerbated down the line,†giit pa ni P-Noy sa interview ng NYT.
“At what point do you say, ‘Enough is enough’? Well, the world has to say it — remember that the Sudetenland was given in an attempt to appease Hitler to prevent World War II,†dagdag pa ni Pangulong Aquino.
Naalala pa ni PNoy, upang maiwasan lamang na lumala ang giyera noong 1930 ay pumayag na lamang ang world powers na ibigay sa Germany ang Sudetenland upang hindi na sakupin pa ni Hitler ang mas malawak na teritoryo sa Europe.
Kahit na dinala na ng Pilipinas ang territorial dispute sa isang arbitral panel ay pilit na tumatanggi ang China tungkol sa hakbang na ito.