MANILA, Philippines - Upang mawakasan na umano ang kagutuman sa bansa, isang House Bill 3795 o ang Right to Adequate Food Bill ang inihain nina AkaÂbayan partylist Reps. Ibarra Gutirrez at Walden Bello, Dinagat Islands Rep. Arlene Kaka Bag-ao at Quezon City Rep. Kit Belmonte.
Nakasaad sa panukala na kinikilala ang right to food bilang isa sa pangunahing karapatan ng mga Pilipino at layunin din nito ang zero hunger sa loob ng 10 taon matapos na mapagtibay ang panukala.
Isa naman umano sa posibÂleng gawin ng gobyerno ay i-subsidize ang budget sa pagkain ng mahihirap na pamilya para masiguro na wala ng magugutom pa.