MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang 6 katao habang isa ang nasa kritikal na kalagayan matapos na salpukin ng isang dump truck ang sinasakyan nilang tricycle matapos na mag-overtake kamakalawa ng gabi sa national highway ng Pikit, North Cotabato.
Ang nasawing mga biktima ay kinilalang sina Ibrahim Casanova; RakhÂma Casanova; Tayan Zakaila; Abil Kamid; Rahima Casanova kapwa mga pasahero at tricycle driver na si Bagits Alimudin. Habang nasa kritikal na kondisyon ang isang Rahima Casanova.
Batay sa imbestigasyon, bandang alas-7:00 ng gabi habang bumabagtas sa lugar ang Honda tricycle (6365) na minamaneho ni Alimudin gaÂling sa Health Center sa Poblacion ng bayang ito lulan ang anim na pasahero nang maganap ang trahedya.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake umano sa sinusundang behikulo ang tricycle na minalas namang mahagip ng paparating na Volvo ten wheeler dump truck (MEL 721) na nakarehistro kay Abdillah Satol.
Tumakas ang driÂver ng dump truck na pinaghaÂhanap ns ng pulisya.