^

Police Metro

Lolo, tinusok ng screw driver, tigok

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok ang isang 80-anyos na lolo makaraang tusukin ng screw driver ng hindi pa nakikilalang  suspek sa harap ng isang tindahan sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Nakatarak pa sa katawan ng biktimang si Leonardo Cabato, ang scew driver ng isugod sa ospital kung saan siya idineklarang patay, ayon kay SPO Pascual Fabreag, may-hawak ng kaso.

Isinalarawan naman ang salarin sa taas na 5’7, nakasuot ng puting-t-shirt at stripe na pants na kulay asul.

Nangyari ang insidente, ganap na alas-8:45 ng gabi sa harap ng isang tindahan sa #383 Boni Serrano St., Brgy. Blue Ridge-B sa lungsod.

Ayon kay Evelyn Hosmillo, papalabas sana siya ng kanilang bahay nang makita niya ang biktima na inuundayan ng saksak ng isang lalaki.

Nagsisigaw si Hosmillo ng tulong sa mga kapitbahay hanggang sa mapilitang huminto ang suspek sa pananaksak at tumakbo papalayo.

Ang sugatang biktima naman ay pilit pa ring gumapang sa simento, habang nakatarak sa kanyang katawan ang screw driver at agad na tinulungan na dalhin sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

AYON

BLUE RIDGE-B

BONI SERRANO ST.

BRGY

EVELYN HOSMILLO

HOSMILLO

ISINALARAWAN

LEONARDO CABATO

PASCUAL FABREAG

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with