MANILA, Philippines - Nag-iwan ng tatlong patay ang bagyong ‘Basyang’ habang nasa 40,000 katao ang naapektuhan ng pananalasa nito sa Visayas at Mindanao.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and ManaÂgement Council (NDRRMC) ang mga nasawi ay kinilalang sina Danny Tundag, 24 ng Daanbantayan; Dionesio Paler, 66, ng Maasin City sa Southern Leyte na pawang nasawi sa pagkalunod at Jose Haji Aque Babatid, 22, ng Balamban, Cebu, na nasawi matapos na makuryente.
Si Tundag ay nasawi makaraang lumubog ang sinasakyan nilang banca na M/V Ave Maria 5 sakay ang 10 crew sa may Poro Port, Camotes Island.
Bagama’t umalis na ang bagyong si “Basyang†nag-iwan naman ito ng matinding pinsala sa Southern Leyte at Cebu, ayon pa sa ulat.
May kabuuang 9,105 pamilya o 42,413 katao ang naapekÂtuhan sa may 176 na barangay sa 38 munisipalidad, pitong siyudad at siyam na probinsya sa Region 4, 7, 8 at Caraga. Umabot naman sa 1,130 pamilya o 5,646 katao ang inilikas sa 32 evacuation center.
Ang matinding pagbuhos ng ulan ay nagdulot ng pagguho ng lupa sa 10 lugar sa Southern Leyte habang apat na insidente ng pagbaha naman sa Eastern Visayas province.
Ayon sa NDRRMC, alas-6:00 ng umaga, ilang kalsada at tulay ang nanatiling hindi madaanan ng mga motorista sanhi ng iniwang pinsala ni Basyang. Nawalan din ng suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Southern Leyte, Bohol at Cebu.