Death penalty malabong maibalik

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni Justice Secretary Leila De Lima na hindi na mu­ling maibabalik ang death penalty kasunod ng pana­wagan ni Senator Tito Sotto dahil sa tumataas na insidente ng kriminalidad sa bansa.

Sinabi ni De Lima na ang Pilipinas ay “signatory” sa International Cove­nant on Civil and Political Rights na nagsasabing hindi maaaring magpatupad ng death penalty.

Naniniwala ang kalihim na maraming mga paraan pa upang madi­siplina ang isang tao sa makataong paraan. 

Maging ang Pangulong Benigno Aquino III ay ayaw din munang mag-commit ng suporta sa panukalang nakahain sa Senado na buhayin ang death penalty.

Nabatid na inihain ni Sotto ang death pe­nalty revival bill laban sa mga sangkot sa karumal-dumal na krimen gaya sa drug ope­rations, rape at pagpatay.

Hindi umano  kumbinsidong “deterent” ang death penalty sa mga krimen.

 

Show comments