MANILA, Philippines - Napatay ang 4 miÂyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at isang sundalo nang magkasagupa kamakalawa sa Manay, Davao Oriental.
Sa ulat ni Captain Alberto Caber, Public Affairs Office (PAO) Chief ng AFP-Eastern MinÂdanao Command, dakong alas- 8:30 ng umaga nang masabat ng mga elemento ng Army’s 67th Infantry Battalion (IB) ang NPA rebels sa Sitio Matabang, Brgy. Taocanga sa nasabing bayan na kung saan ay agad nagkaroon ng palitan ng putok na ikinasawi ng tatlong rebelde at isang sundalo na hindi muna pinangalanan.
Napilitan naman ang mga rebelde na magsiatras dahilan sa higit na maÂlakas ang puwersa ng mga sundalo.
Bago nangyari ang bakbakan ay iniulat ng mga residente sa lugar ang presensya ng mga armadong rebelde na naÂngingikil sa kanilang hanay kaya nagresponde ang mga sundalo na nauwi sa bakbakan.
Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang dalawang M16 rifle, isang AK47 rifle, isang M14 rifles, tatlong landmines, isang cellphone at mga subersibong dokumento.