MANILA, Philippines - Aabot sa mahigit siyam na oras na brownout ngayong araw ang mga kustomer na sineserbisyuhan ng Peninsula Electric Cooperative (PENELCO) ang ilang bayan sa lalawigan ng Bataan.
Ito ang inihayag ni National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Central Luzon Corporate Communication and Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal na magsisimula ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:30 ng hapon.
Ang brownout ay dahil umano sa taunang “preventive maintenance†ng 100 MegaVolt Ampere o MVA transformer at power equipment sa Limay substation at kasabay pa ang “corrective maintenance†ng PENELCO sa transmission line nito sa Hermosa-Dinalupihan 69Kv line.
Ang mga bayan na tatamaan ng brownout ay ang Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal, Limay, Orion, Pilar, Bagac, Morong, Abucay at Balanga.