^

Police Metro

17 Muslim rebels todas sa bakbakan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang may 17 rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kasunod nang inilunsad na opensiba ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya sa lalawigan ng Maguindanao kahapon ng umaga.

Ayon sa pahayag ni Army’s 6th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Romeo Gapuz na 2 sa bangkay ng nasawing BIFF ay narekober ng tropa ng militar habang 15 pa ang tinangay naman ng mga nagsitakas nilang kasamahan sa umaatikabong sagupaan sa hangganan ng Pikit Cotabato at Shariff Saydona ng lalawigan. 

Ang law enforcement offensive ay inilunsad ng puwersa ng pamahalaan laban sa BIFF, ang breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF)  kaugnay ng naganap na paglagda ng GRP at MILF peace panel sa ika-4 na annex  ng isinusulong na Bangsamoro Entity sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nabatid na ang umaatikabong bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig ay dahilan sa paghahain ng warrant of arrest ng mga otoridad laban sa mga lider at tauhan ng BIFF na sangkot sa samutsa-ring kriminalidad sa Central Mindanao.

Target ng opensiba laban sa BIFF ang pinagkukutaan ng mga itong teritoryo sa  mga bayan ng Shariff Saydona Mustapha, Datu Piang, Sultan sa Barongis sa Maguindanao at Pikit sa North Cotabato.

Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay nagpapatuloy ang putukan sa magkabilang panig habang mahigit naman sa 700 residente ang nagsilikas sa mga apektadong lugar sa takot na maipit sa bakbakan.

 

BANGSAMORO ENTITY

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

CENTRAL MINDANAO

COMMANDER MAJOR GEN

DATU PIANG

INFANTRY DIVISION

KUALA LUMPUR

MAGUINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with