Supervisor pinagbabaril, patay

MANILA, Philippines - Agad na namatay ang isang bingo supervisor makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si John Llyod Garcia,  33, nakatira sa #168 Libis Espina St., Caloocan City, supervisor sa  Extreme Bingo sa IPI Tower sa Gil Puyat Avenue at Metropoint Mall sa EDSA Avenue, Pasay City dahil sa tama ng bala sa ulo mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Samantala,  nilalapatan naman ng lunas sa Pasay City General Hospital ang mga tricycle drivers na sina  Edmond Egat, 25, tinamaan ng ligaw na bala sa kanang paa at Edward Tingson, 61, tinamaan naman sa kanang hita.

Nagsasagawa  pa ng follow-up ang Pasay City Police hinggil sa insidente at inaalam pa ang pagkakakilanlan  ng mga suspek.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang insidente ay naganap ng ala-1:00 ng madaling araw malapit sa pinagtatrabahuhan ng biktima sa EDSA Avenue sa lungsod.

Nakasakay ng scooter ang biktima at hindi nito namalayan ang paparating na motorsiklo na sakay ang mga suspek at walang sabi-sabing  pinagbabaril na na­ging dahilan ng agaran nitong kamatayan at ang dalawa namang tricycle driver ay tinamaan ng ligaw na bala.

 

Show comments