Kampo ni Vhong Navarro, hinimok na magreklamo
MANILA, Philippines - Hinihimok ng Taguig City Police na magreklamo at makipag-coordinate sa kanila ang mga kaanak ng komedÂyante at TV host na si Vhong Navarro upang masampahan ng kaso ang isang grupo ng mga kalalakihan na gumulpi at nang-extort sa actor.
Ayon kay Police Sr. Supt. Arthur Asis, hepe ng Taguig City Police, simula aniya nang maganap ang panggugulpi sa actor noong Enero 22 ay wala pang nagpupunta na mga kaanak o mula sa kampo nito para magreklamo laban sa mga suspek.
Sinabi ni Asis, nais nilang matulungan at mabigyan ng hustiya ang ginawang panggugulpi sa actor pero nangaÂngapa sila dahil wala pang reklamo at hindi pa nagtutungo sa himpilan ng pulisya ang mga kaanak ni Navarro.
Gayunman, patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang pamunuan ng Taguig Police at unti-unti ng nakakakuha ng positive development hinggil sa insidente upang matukoy ang mga suspek.
Nananawagan ang pamunuan ng Taguig Police sa kampo ni Vhong, na huwag matakot ang mga ito.
Ang insidente ay nabatid lamang ng pulisya sa pamamagitan ng manager ni Vhong na si Chito Roño.
Ayon kay Roño, noong Enero 22 ay may nag-imbita sa actor na babae sa isang condominium unit nito sa The Fort, Taguig City na pinaunlakan naman ni Vhong.
Pagdating sa loob ng condo ay biglang nagdatingan ang ilang kalalakihan at sa hindi malamang dahilan ay piniÂringan ng mga suspek si Vhong, saka iginapos, binugbog at hiningan ng pera.
Si Vhong ay nananatili pang nasa kritikal na kondisÂyon ngayon sa isang hindi tinukoy na pagamutan at nakatakdang isailalim sa operasyon.
- Latest