2 pulis sugatan sa ‘Oplan Galugad’
MANILA, Philippines - Nasugatan ang dalawang miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) matapos pagbabarilin ng mga armadong grupo nang magsagawa sila ng “Oplan Galugad†sa isang liblib na lugar sa lungsod.
Ang mga nasugatang pulis ay sina PO2 Randolf Olivar, 42 at PO1 Archie Evangelista, 25, na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Station 2 na nakaratay sa Chinese GeÂneral Hospital dahil sa mga tama ng bala sa katawan.
Nadakip naman ang dalawa sa tatlong suspek na nakilalang sina Edwin Lopez, 37, at Parok Hussein, 35.
Sa ulat, dakong alas-11:57 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang QCPD sa kahabaan ng Alcoy malapit sa kanto ng Rivera St., Barangay Bagong Pagasa dahil sa dito umano nagtatago ang mga kriminal.
Habang naglalakad ang tropa nina PO2 Olivar at PO1 Evangelista sa kahabaan ng Alcoy ay napuna nila ang tatlong kalalakihan at nang lalapitan ay bigla na lamang nagpaputok at tinamaan ang dalawang pulis.
Mabilis na tumakas ang mga suspek, subalit sa isang follow-up operations ay nasakote ang mga ito.
- Latest