MANILA, Philippines - Inaresto ng pulisya ang isang 47-anyos na photographer matapos na ireklamo ito ng pangmomolestiya sa may 30 graduating students ng elementarya sa isang photo shoot sa kanilang graduation picture sa loob ng paaralan naganap kamakalawa ng hapon.
Ang suspek ay kinilalang si Misael CaÂlam, may-asawa, residente ng Aurora Boulevard, Sta. Cruz, Maynila at photographer ng
Moises Salvador Elementary School, na matatagpuan sa G. Geronimo St., Sampaloc, Maynila.
Sa salaysay ng mga biktima na bawat section ay kinukunan ng naka-toga, subalit nagtataka sila kung bakit ang suspek ang nag-aayos ng toga sa kanila na habang tinatanggal ang butones ng blusa ng mga batang babae ay sinasabayan ng pagkapa sa kanilang dibdib.
Bukod pa umano ito ay ikinikiskis ng suspek ang kanyang ari sa mga tuhod ng mga estudyante habang inaayusan ng toga.
Desidido naman ang mga magulang na tuluyan na sampahan ng kasong child abuse ang suspek na pinabulaanan naman ang akusasyon.