^

Police Metro

90 pulis, sinibak sa pagiging ‘doktor’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinibak sa puwesto ng pamunuan ng Philip­pine National Police (PNP) ang 90 opisyal na napatunayang sangkot sa pangdo-doktor sa mga insidente ng kriminalidad na nagaganap sa kanilang mga hurisdikyon.

Kabilang sa mga nasibak ay isang Regional Director, 8 na Provincial Directors at nasa 81 pang  mga Chief of Police at  Station Commanders.

Una nang nagbabala si PNP Chief Director General Alan Purisima sa mga Regional Directors, Provincial Directors, station commanders at mga hepe na mahaharap sa imbestigasyon at sisibakin sa puwesto kapag napatuna­yang guilty sa pagbabawas ng krimen  o pandodoktor ng crime report.

Nagpaliwanag naman ang mga opisyal na ang pagtaas ng krimi­nalidad ay sanhi ng marami silang nadiskub­reng hindi inirereport ng makatotohanan sa PNP Headquarters sa Camp Crame.

Binigyang diin ng opisyal na hindi lamang ang mga krimen na naireport sa blotter ang kanilang inirerekord kundi kasama na dito ang wala sa blotter.

Samantala, isinulong naman ng PNP ang bagong data base hinggil sa pagrerekord ng kriminalidad o ang Crime Incident Recording System na isang investigative form na tatlong kopya, isa rito ay para sa nagrereklamo.

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

CHIEF OF POLICE

CRIME INCIDENT RECORDING SYSTEM

NATIONAL POLICE

PROVINCIAL DIRECTORS

REGIONAL DIRECTOR

REGIONAL DIRECTORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with