Piso-piso vs rice smuggling

MANILA, Philippines - Upang magkaroon ng pondo na magagamit bilang reward sa sinumang tetestigo sa imbestigasyon ng Senate Committee on Agriculture at magtuturo ng mga big time smugglers ng bigas sa bansa ay naglunsad ang mga maliliit na magsasaka na mula sa Northern at Central Luzon ng “Piso-piso” campaign.

Ibinigay ng mga magsasaka ang initial na pondong P55,000 kay Senator Cynthia Villar, chairman ng komite na mag-iimbestiga sa nangyayaring  rice smuggling.

Ayon kay Ofociano Manalo, presidente ng Confederation of Irrigators Association sa Region 1, ang mga maliliit na magsasaka ay nag ambag-ambag para magkaroon ng pondo dahil sila ang apektado ng rice smuggling na dahilan para  tumaas ang presyo ng bigas na nabibili sa mga lokal na magsasaka.

Ayon kay Villar, gagamitin nila ang coin donations bilang simbolo ng kagustuhan ng mga magsasaka na mahinto na ang rice smuggling sa pagpapatuloy ng imbetigasyon sa Miyerkules.

 

Show comments