MANILA, Philippines - Binalaan ng pamunuan ng Food and Drugs Authority (FDA) ang mga konsyumer lalo na ang mga “health conscious†sa pagbili ng bagong produktong “slimming underwear†dahil sa posibleng mga panganib na dulot nito sa kalusugan.
Sa FDA Advisory 2014-005, inilabas ang babala laban sa “Onami slimming underwear†na ipinagmamalaking kayang mag-detoxify ng katawan at makasunog ng taba, mapalakas ang immune system, mapataas ang panunaw, maging alerto, mabawasan ang pagod at stress, sakit ng katawan at maging body odors.
Ngunit ayon sa FDA, hindi ito nakarehistro sa kanila at walang basehang medikal ang mga sinasabing benepisyo sa kalusugan ng naturang produkto.
Wala pang natatanggap na aplikasyon para sa CPR ang FDA na titiyak sa “clinical reports†o mga pag-aaral sa mga benepisyo ng naturang produkto.
Pinagbawalan ng FDA ang mga konsyumer sa pagbili ng naturang produkto sa merkado at maging sa “online marketâ€.
Pinagsabihan rin ang mga manufacturers at distributors at maging ang pamunuan ng mga shopping malls na tanggalin ang naturang produkto sa merkado habang hindi pa nakakapag-aplay ng lisensya at CPR sa FDA.