^

Police Metro

‘Slimming underwear’ mapanganib -FDA

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binalaan ng pamunuan ng Food and Drugs Authority (FDA) ang mga konsyumer lalo na ang mga “health conscious” sa pagbili ng bagong produktong “slimming underwear” dahil sa posibleng mga panganib na dulot nito sa kalusugan.

 Sa FDA Advisory 2014-005, inilabas ang babala laban sa “Onami slimming underwear” na ipinagmamalaking kayang mag-detoxify ng katawan at makasunog ng taba, mapalakas ang immune system, mapataas ang panunaw, maging alerto, mabawasan ang pagod at stress, sakit ng katawan at maging body odors.

 Ngunit ayon sa FDA, hindi ito nakarehistro sa kanila at walang basehang medikal ang mga sinasabing benepisyo sa kalusugan ng naturang produkto.

 Wala pang natatanggap na aplikasyon para sa CPR ang FDA na titiyak sa “clinical reports” o mga pag-aaral sa mga benepisyo ng naturang produkto.

 Pinagbawalan ng FDA ang mga konsyumer sa pagbili ng naturang produkto sa merkado at maging sa “online market”. 

Pinagsabihan rin ang mga manufacturers at distributors at maging ang pamunuan ng mga shopping malls na tanggalin ang naturang produkto sa merkado habang hindi pa nakakapag-aplay ng lisensya at CPR  sa FDA.

vuukle comment

BINALAAN

DRUGS AUTHORITY

FDA

NGUNIT

ONAMI

PINAGBAWALAN

PINAGSABIHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with