MANILA, Philippines - Nasagasaan ang murang katawan ng isang 3-anyos na batang lalaki matapos na maatrasan ng isang six-wheeler na truck sa Mandaluyong City, kamakalawa.
Namatay noon din ang biktima na si Denver Medina, ng Sto. Rosario St., Brgy. Plainview, ng lungsod.
Ang suspek na kusang loob na sumuko ay kinilalang si Arnel Roxas, 33, driver ng dump truck (RKC-118) ng Blk. 32, Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills.
Sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga ay naglaÂlaro sa nasabing kalye ang biktima kasama ang isa pang bata malapit sa nakaparadang trak.
Kasalukuyang nasa driver seat na ang suspek na agad nagmaniobra ng kanyang trak nang hindi mapansin ang biktima sa likuran na kanyang naatrasan.
Ang suspek ay kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide.