^

Police Metro

2 ama utas sa anak, anak utas sa ama

Angie dela Cruz, , Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang ama ang napatay ng  kanilang mga anak habang isang anak ang napatay din ng ama sa tatlong magkakahiwalay na krimen naganap sa Caloocan City, Taguig City at Zamboanga del Norte.

Sa Caloocan City, hindi nagustuhan ng anak na si Edwin Lumbres Jr., 17-anyos ang umano’y panenermon ng kanyang ama na si Edwin Sr., 42.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga ay dumating ang batang Lumbres sa kanilang bahay na matatagpuan sa Intan St., Bagong Barrio ng naturang lungsod.

Naiinis na umano ang ama sa kanyang anak dahil wala mang lang itong naitutulong sa kanila kung kaya’t sinermunan ito at sinabihan na sutil at suwail.

Hindi ito nagustuhan ng anak kaya’t sa sobrang pagkayamot ay kumuha ito ng patalim sa kusina at binalikan ang ama at sinaksak sa dibbdib.

Hindi na umabot ng buhay sa Manila Central University Hospital ang ama habang kusang loob na sumuko sa pulisya ang anak.

Ganito rin ang nangyari sa Brgy. New Dapitan, Rizal, Zamboanga del Norte nang patayin naman sa taga ni Arnel Fuego, 25-anyos ang ama nito na si Felix Fuego, 62-anyos, biyudo.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi ay kasalukuyang kapwa la­sing na ang mag-ama sa kanilang pag-iinuman kasama ang ilang kaibigan nang maungkat ang isyu ng hinihinging mana ng anak sa lupain na kanyang sinasaka.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-ama at para hindi na humaba ang usapin ay  nagpasyang umuwi ang matanda sa kanilang bahay na may 25 metro ang layo mula sa lugar na kanilang pinag-iinuman.

Galit na sinundan ng anak ang ama at nang maabutan ay binunot nito ang dalang itak at walang sabi-sabing pinagtataga ang ama sa leeg at katawan hanggang sa ito ay mapatay.

Agad na tumakas ang suspek na ngayon ay tinutugis ng mga otoridad.

Namatay naman ang isang 21-anyos na anak habang dinadala sa ospital  nang tamaan ng bala sa dibdib matapos silang mag-agawan na mag-ama sa shotgun na tinutok ng huli habang sila ay  nagtatalo kahapon ng mada­ling-araw sa Taguig City.

Ang nasawi ay kinilalang si Danilo Ville, ng 49B Camachile St., Wes­tern Bicutan ng lungsod.

Ang suspek na nagtangka pang tumakas matapos mapatay ang anak ay kinilalang si Dionidio Ville.

Batay sa ulat, dakong alas-12:45 ng umaga ay nagising ang ama sa ingay at sinaway ang pag-iinuman ng biktima, kapatid nito at mga barkada sa harap ng kanilang bahay sa Lanting St.

Hindi ito nagustuhan ni Danilo kaya’t pu­malag ito sa saway ng ama na nagalit naman kaya’t kinuha nito ang sumpak at itinutok sa anak.

Mabilis namang sinunggaban ng anak ang shotgun na itinutok ng ama nang ito ay pumutok na tumama sa  dibdib nito.

Kinasuhan ng parricide ang  matandang Ville sa Taguig Prosecutor’s Office.

vuukle comment

AMA

ANAK

ARNEL FUEGO

BAGONG BARRIO

BATAY

CALOOCAN CITY

CAMACHILE ST.

DANILO VILLE

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with