Mag-ina natusta sa sunog

MANILA, Philippines - Dahil sa natumbang kandila ang dahilan ng sunog na ikinasawi ng isang nanay at anak nito na isang special child matapos makulong sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Imelda Village, Brgy. Brookside, Baguio City.

Ang nasawing mag-ina ay kinilalang  sina Rafaela Sabado, 66 at anak nitong si Sharon, 32.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection ng Baguio City, dakong alas-3:00 ng hapon nang maitala ang sunog habang ang mag-ina ay namamahinga sa loob ng kanilang bahay.

Sa salaysay ng mister ng ginang, umalis siya nitong Miyerkules ng umaga at iniwan ang kaniyang mag-ina upang magtrabaho at hapon nang itawag sa kaniya ng mga kapitbahay na nasusunog ang kanilang bahay.

Isang oras ang nakalipas bago naapula ng mga bumbero ang sunog at sa imbestigasyon ayon sa mga bumbero ang kandilang gamit ng mag-ina ang sanhi ng sunog matapos na maputulan ang mga ito ng kuryente.

 

Show comments