MANILA, Philippines - Dalawampu’t limang Chinese nationals na nagnenegosyo ng walang permit at working visa sa Baclaran, Parañaque City ang dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).
Nabatid kay BI Commissioner Siegfred Mison na nakatanggap sila ng report na naglipana ang mga dayuhan na nagsasagawa ng buy and sell sa Baclaran Mall ng walang kaukulang dokumento.
Ang mga inarestong Chinese nationals ay kinilalang sina Wang Minghai; She Wen Wei; Chai Shanshan; Shi Aizhu; Zhan Sisi; Ke Wuyan; Shi Ling Rong; Xu Qui Lin; Chun Li Shi; Chen Rongxing; Lin Jintang; Shi Hong Yao; Chen Ziwei; Wu Huati; Xiao Chang Cheng; Ke Meifen; Yang Zhi Tuo; Yao Li Qing; Chen Qing Zhen; Reyes Chua; Xu Xiuqi; Zeng Hualan; Cai Yan Mian at dalawang menor-de-edad.
Nabatid na ang nasabing Chinese trader ay nagti-tiangge sa likod Baclaran Terminal Mall.
Matatandaang sinalakay din ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs, National Bureau of Investigation at ng Manila Police District ang 168 Mall sa Divisoria at nasabat ang iba’t ibang produktong smuggle na galing China.