Rice smuggling king inaresto ng NBI
MANILA, Philippines - Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y rice smuggler na si David Tan, na kilala rin sa pangalang Davidson Tan Bangayan o David Lim ilang oras bago ito ay kusang lumantad kahapon at humarap kay Justice Secretary Leila De Lima.
Nabatid na inaresto si Tan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Caloocan Regional Trial Court nuong October 11, 2010 sa kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act 7832 o Anti PilfeÂrage Law.
Nabatid na nakuha ng NBI ang kopya ng warrant of arrest nito lamang January 7, 2014.
Apatnapung libong piso ang halaga ng piyansa na inirekomenda ng hukuman para sa pansamantalang paglaya ni Tan.
Agad naman nilinaw ni De Lima na ang pag-aresto kay Tan ay walang kinalaman sa rice smuggling.
Nabatid na kaya lumantad si Tan sa DOJ ay para linisin ang kanyang pangalan matapos na mapanood sa teleÂbisyon noong isang gabi na siya ay inaakusahang rice smuggler.
Lumilitaw sa report ng NBI na si Tan ay lumilitaw na one-man cartel matapos na makakalap ng mga dokumento ang NBI kabilang na ang kanyang tirahan at mga negosyo at ginamit na batayan upang kumpirnahin na ang Tan at Bangayan ay isang tao lamang.
- Latest