Libreng bakuna vs tigdas pinalakas

MANILA, Philippines - Lalo pang pinalakas ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang kampanya nila para sa libreng bakuna kontra tigdas na pinagtutuunan ngayon ng Department of Health (DOH).

Bukod sa mga bata at sanggol sa mga bahay-bahay, kasama rin sa babakunahan ang mga mag-aaral sa ele­mentarya at high school at maging mga matatanda na hindi pa rin nakakatanggap ng bakuna.

 Sinabi ni City Health Office Dr. Isaias Ramos, naka­tutok sila sa mga barangay na nagpositibo na nagkaroon ng pasyente sa tigdas.  Tinukoy nito ang mga barangay Lower at Western Bicutan at mga katabing lugar nito.

 Tugon din nila ito sa panawagan ng DOH sa mga lokal na pamahalaan na magsagawa na ng maigting na pagbabakuna sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon kay Ramos, ang tigdas bagamat kasama sa mga pangkaraniwang sakit, ay maaaring magdulot ng mga kumplikasyon tulad ng pagkabulag, sakit na encephalitis (paglobo ng utak), pagtatae, dehydration, impeksyon sa tenga, at maging pneumonia.

­

 

Show comments