Rolbak sa presyo ng langis

MANILA, Philippines - Umpisa ngayon madaling araw ng Lunes ay magpapatupad ng rolbak sa presyo ng langis.

Sabay-sabay na magsasagawa ng rolbak ang Pilipinas Shell, Petron Corp., Seaoil at PTT dakong alas-12:01 ng madaling araw.

Sa advisory ng Shell, nasa P.85 sentimos kada litro ng unleaded at premium gasoline, P.90 sentimos sa kada litro ng diesel, at P1.10 kada litro ng kerosene, ang kanilang tatapyasin.

Kahalintulad na halaga rin ang tatapyasin ng Petron, Seaoil at PTT.

Dakong alas-6:00 naman ng umaga susunod ang Phoenix Petroleum na magbabawas din ng kahalintulad na halaga sa kanilang gasolina at diesel.

Muling ikinatwiran ng mga tagapagsalita ng mga kumpanya ng langis na ang naturang rolbak ay resulta pa rin ng panibagong paggalaw sa presyuhan sa pandaigdigang pamilihan.

 

Show comments