MANILA, Philippines - Ang Pangulong Benigno Aquino III ang mangunguna sa gaganaping National Day of Prayer and Solidarity sa darating na Enero 20 sa Malacanang.
Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., ito ay may temang “One Nation in Prayer†na dadaluhan ng gabinete ng Pangulo.
Ayon kay Sec. Coloma, Ang isang Bansa, isang Panalangin ay gaganapin bilang pagkilala ng sambayanang Pilipino sa kapangyarihan ng Poong Maykapal na gumagabay sa ating sama-samang paglaÂlakbay tungo sa isang higit na maaliwalas na kinabukasan.
Wika pa ni Coloma, lalahok dito ang mga pinuno ng pamahalaan at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng lipunang Pilipino.
“Nananawagan ang Pangulo na makiisa ang lahat ng mga mamamayan sa pananalangin sa araw na nabanggit,†anang PCOO chief.
Nauna pa rito, binanggit ng Pangulo sa kanyang talumpati sa vin d’ honneur na idinaos noong Biyernes hinggil sa pagkamangha ng ibang bansa sa katatagan ng ating bansa.
“Ito ay bunga ng matibay na pananampalataya ng mga Pilipino na pinalalalim at lalo pang nagiging matatag sa harap ng mga pagsubok,†paliwanag pa ni Coloma.
Aniya, hindi natitinag ang ating determinasyon at kakayahang bumangon at lalo pang tumatag sa ating paniniwala sa kabutihan at kapangyarihan ng Diyos.