2 ex-Army dakip sa gunrunning

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang miyembro ng gunrunning syndicate na kinabibilangan ng isang dating Army colonel sa isang buy bust operation sa Taguig City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina retired Philippine Army Colonel Pablo Bigal Angeles at Ernesto Tuquero.

Sa ulat, dakong alas-9:00 nang magsagagawa ng buy-bust operation ang mga NBI sa parking area na isang mall sa Taguig City na ikinaaresto ng dalawang suspek.

Ayon sa NBI na  nakatanggap sila ng sumbong hinggil sa dalawang suspek na nagbebenta ng matataas na kalibre ng baril kaya’t nagsagawa ng buy-bust operation.

Nagpanggap ang isang ahente ng NBI na bibili ng mga baril at napagkasunduan na gagawin sa parking area ng mall na kung saan ay nakaantabay ang mga otoridad at naaresto ang mga suspek na nakumpiskahan ng mga matataas na kalibre ng baril na umaabot sa halagang  P820,000.00.

 

Show comments