Binoga rin ang sarili… buryong na seaman pinasabog ang misis

MANILA, Philippines - Sabog ang dibdib ng isang misis nang barilin ito ng shotgun ng kanyang nabur-yong na asawang seaman at pagkatapos ay binoga rin ang sarili naganap kamakalawa ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa Dona Soledad, Labangal, General Santos City.

Kapwa natagpuang patay ang mag-asawang Edgar at Lea Marie Sarmiento; pawang nasa hustong gulang. Nagtamo ng tama sa dibdib ang ginang habang ang mister nito ay halos sumabog ang panga.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad na dakong alas-7:00 ng gabi nang unang barilin ng mister ang kanyang misis at nang masigurong patay na ay nagbaril naman ito sa bibig.

Ayon sa salaysay ng mga kapitbahay sa pulis-ya, na bago ang insidente ay  narinig pa nilang nagtatalo ang mag-asawa sa hindi pa malaman na kadahilanan.

Ayaw naman nilang makialam dahil sa away-mag-asawa at ilang saglit ay nakarinig sila ng  dalawang magkakasunod na putok ng baril mula sa ta-hanan ng mga mag-asawa.

Kaya naman ay inireport nila sa kanilang barangay na siya namang nag-report sa pulisya na nagresponde sa lugar at dito ay narekober ang shotgun na ginamit.

 

Show comments