MANILA, Philippines - Nasugatan ang 7 katao na kinabibilangan ng dating gobernadora ng lalawigan ng Guimaras habang nasawi ang driver nang bumangga ang kanilang sasakyan sa isang SUV kamakalawa sa highway ng Sta. Barbara, Iloilo.
Patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang biktimang si daÂting Guimaras Gov. Emily Lopez at anim nitong kasama na sina dating Alimodian Vice Mayor Marilou Alipao; Cristina Concio, 53, ng Oton; Asuncion Rosal, 57, ng San Miguel; Marly Sinfuego, 37, ng Sta. Barbara; pawang ng Iloilo at Cecilia Vilchez, 65.
Habang ang nasawing driver nito ay kinilaÂlang si Mario Gayorgor, 55.
Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang mabangga ang kulay puting Hi Ace van na sinasakyan ni Lopez at ng lima pa nitong kasamahan sa kasalubong na Isuzu SUV trooper sa kahabaan ng KahiÂlÂwayan Avenue sa Brgy. Bolong Oeste.
Nabatid na patungo sina Lopez sa Iloilo City airport galing sa tanggapan ng Taos Puso Foundation Inc.sa bayan ng Sta. Barbara nang maganap ang banggaan pagsapit sa lugar. Sa inisÂyal na imbestigasyon nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng Isuzu SUV na si Jolly Libuna matapos na pumutok ang isa sa gulong ng sasakyan na tuluy-tuloy na sinalpok ang kasalubong na sasakyan nina Lopez.