Manyakis dedo sa shotgun
MANILA, Philippines - Sabog ang katawan ng isang 28-anyos na laÂlaki nang ito ay barilin ng shotgun ng lover ng isang ginang na tangka nitong halayin kamakalawa ng gabi sa Purok Tres, Brgy. Muyo, Buug, Zamboanga Sibugay.
Namatay noon din ang biktima na kinilaÂlang si Gary Arpal dahil sa tinamong mga tama ng bala ng shotgun sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Tumakas naman ang suspek na si James FajarÂdo alyas Langlang, 26, kapitbahay ng biktima.
Sa ulat, bandang alas-7:45 ng gabi ay pinasok ng suspek ang bahay ng maglive-in sa Purok Tres, Brgy. Muyo, Buug ng lalawigan at tinangkang molestiyahin nito si Neneth Alarao.
Nang sunggaban ng suspek ang nasabing ginang ay nagsisigaw ito sa paghingi ng saklolo kung saan ay tinakpan naman ng manyakis ang bibig nito habang uumpisahan na sanang halayin.
Biglang dumating ang suspek na sa maÂtinding galit ay sinigawan ang manyakis na lumabas sa kanilang bahay, subalit habang palabas sa kanilang bakuran ay pinagbabaril ito.
- Latest