MANILA, Philippines - Inirekomenda ng Supreme Court sa mga petitioÂners na isama sa kanilang petisyon laban sa Meralco ang mga power producers kaugnay ng tinutulang pagtaas ng singil sa kuryente.
Inatasan ni Supreme Court spokesman Teodore Te ang mga petitioners na isama sa kanilang asunto ang mga power producers na kinabibilangan ng Philippine Electricity Market Corp., SEM-Calaca Power Corp., Masinloc Power Partners Co., Therma Luzon, Inc., San Miguel Energy Corp., South Premiere Power Corp., at Therma Mobile Inc.
Binigyan ng hukuman ang mga petitioners ng hanggang sa Enero 13 para magsumite ng kanilang amended petition.
Ang mga respondents naman ay inatasan na magsumite ng kanilang komento sa amended petition hanggang sa Enero 20, 2014.
Ibinasura ng Supreme Court ang mosyon ng Office of the Solicitor General (OSG) na hindi na isama sa asunto ang Energy Regulatory Commission (ERC) at Department of Energy (DOE) para magbigay ng komento sa isyu at sa halip ay pinagkokomento ang OSG sa amended petition bago ang Enero 17 ng taong kasalukuyan.
Itinakda ang initial preliminary conference sa EÂnero 13, habang sa Enero 21, 2014 ang oral argument.
Nabatid na dumulog sa Korte Suprema ang mga petitioners upang pigilin ang Meralco sa pagpataw ng dagdag singil sa kuryente ng hanggang sa P4.15 per kilowatt hour dahilan upang maglabas ng temporary restraining order ang hukuman laban sa power rate hike.