^

Police Metro

P149K na kinubra sa bangko naholdap

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natangay sa tatlong kawani ang kinubra nilang P149,000 sa bangko matapos na sila ay holdapin ng tatlong lalaki pabalik sa kanilang opisina kamakalawa sa Valenzuela City.

Sa salaysay ng isa sa tatlong biktima na si Erlinda Wijangco, empleyada ng RJS Industrial Construction and Development Corporation, alas-4:10 ng hapon, ay pabalik na sila sa kanilang opisina matapos mag-withdraw ng P149,000 sa bangko.

Paglapit nila sa kanilang sasakyan  na nasa Kabatuhan St.,Centrum Compound, Barangay  Mapulang Lupa ay pinaputukan ng mga suspek ang unahang gulong ng kanilang sasakyan at salamin.

Dito na lumapit ang tatlong suspek at sapilitang kinuha ang bag na kinalalagyan ng pera at mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.

Malaki ang hinala ng pulisya na inside job ang pang­hoholdap dahil alam ng mga suspek kung anong oras kukubra ng pera ang mga biktima sa bangko.

CENTRUM COMPOUND

DITO

ERLINDA WIJANGCO

INDUSTRIAL CONSTRUCTION AND DEVELOPMENT CORPORATION

KABATUHAN ST.

MALAKI

MAPULANG LUPA

NATANGAY

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with