MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga otoridad ang isang bodega na ginagawang katayan ng mga karnap na sasakyan sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.
Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang salakayin ng mga pulis sa bisa ng search warrant na pinalabas ni Judge Nancy Rivas Palmones ng RTC Branch 172 ang isang bodega sa kahabaan Sibesco St., Victoria Village, Barangay Canumay East ng naturang lungsod at dito ay nakumpiska ang mga piyesa ng mga sasakyan kinarnap at mga gamit sa pagkatay ng sasakyan.
Ayon sa pulisya na noong Disyembre 30, 2013 ay naaresto ng mga pulis si Joselito Valenzuela habang dala ang isang karnap na L-300 van at kanyang inginuso kung saan ito dinala na naging dahilan upang kumuha ng search warrant ang mga pulis at sinalakay ito.