MANILA, Philippines - Ginawaran si multi-awarded broadcast journalist Maria Cristina ‘Tina’ Monzon-Palma bilang Tandang Sora Award ni QC Mayor Herbert Bautista at Vice-Mayor Joy Belmonte sa isang seremonya sa pagdiriwang sa ika 202 taong birth anniversary ng bayaning si Melchora Aquino Tandang Sora National Shrine, Banlat Road, Quezon City kung saan dito siya ipinanganak.
Kinilala si Palma sa kanyang natatangi at pambihirang pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng Bantay Bata 163 at Sagip Kapamilya sa ilalim ng ABS-CBN Foundation.
Si Palma bilang Program Director ng naturang foundation ay nakapagbigay ng suporta sa publiko para sa relief at rehabilitation efforts sa mga biktima ng karahasan at kalamidad sa buong bansa partikular sa Zamboanga, Bohol at Eastern Visayas.
Si Palma ang tanging ikalawang recipient sa paraÂngal na ang una ay si dating Senator Helena Z. Benitez.
Ang prestisyosong parangal na kumikilala sa mga natatanging kababaihan na may malaking naiambag sa pagtulong sa taumbayan tulad ng mga ginawa noon ng Grand Woman ng rebulusyon at bayani ng QC na si Melchora Aquino.