MANILA, Philippines - Upang mapaganda at maÂging maayos ang seguridad ng Ninoy Aquino InternatioÂnal Airport (NAIA) ay dapat gamitin ang travel tax ng 32 milyon pasahero na umaabot sa P16.5 bilyon.
Ito ang sinabi ni Senador Ralph Recto, para mas maÂging maayos ang pagpapalakad dito at maalis ang tawag na “world’s worst†airport.
Sinabi ni Recto na kung ang isang mall na naniningil lamang ng P10 para sa paggamit ng kanilang “hotel-like toiletâ€, walang dahilan para ang isang airport na naniningil ng P550 terminal fee at P1,620 travel tax ay hindi makapagbigay ng mas magandang serbisyo.
Noong 2012 ang Manila International Airport AuthoÂrity (MIAA) ay nakapagtala ng gross operating income na P8.23 bilyon at net income na P2.64 bilyon, samantalang ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone AuthoÂrity (TIEZA) ay nakakolekta umano ng P3.5 bilyon travel tax, at ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay nagtala ng P4.7 bilyon gross income at net income na P1.93 bilyon.
Ang tatlong ahensiya ng gobyerno ang magkakatulong na nagpapatakbo ng NAIA.
Idinagdag pa ni Recto na hindi kasama sa national budget ang paggasta ng kita at pondo nila, kaya mas madali anyang maglaan ng pondo kung drinÂking fountains, couches, at malinis na comfort rooms lamang ang bibilhin.