Namuno sa Zamboanga siege nailibing na
MANILA, Philippines - Nailibing na si Moro National Liberation Front (MNLF) Commander Habier Malik,isa sa limang lider ng grupo na namuno sa 300 MNLF fighters sa 20 araw na Zamboanga City siege noong Setyembre 2013.
“All the information we have points to the same conclusion that Ustadz Malik is dead. He died of complication after sustaining wounds during the Zamboanga conflict,†ito ang iniulat ni Col. Jose Johriel Cenabre, 2nd Marine Brigade at Task Force Sulu Commander base sa intelligence report ng militar.
Nabatid na si Malik ay sinasabing sugatang nakatakas ilang araw bago ideklara ng pamahalaan na tapos na ang krisis sa Zamboanga noong huling bahagi ng Setyembre ng nakalipas na taon.
“He was badly wounÂded (in Zamboanga City)…medically speaking, he did not have proper treatment,†ayon pa kay Cenabre.
Nilinaw ni Cenabre na patuloy pa nilang beneberipika ang nasabing ulat hinggil sa pagkamatay at paglilibing umano kay Malik sa isang lugar sa kagubatan ng Sulu noong Oktubre sa panahon ng Al Hadz, ang pilgrimage ng mga Muslim sa Mecca.
Base pa sa impormasyon ay huling namataan si Malik sa bisinidad ng Kalingalang Kaluwang sa Sulu.
Magugunita na ang 20 araw na krisis sa Zamboanga City na nag-umpisa noong Setyembre 9, 2013 matapos salakayin ng mahigit 300 MNLF fighters ang limang barangay sa lungsod kung saan daang sibilyan ang hinostage na ikinasawi ng mahigit 200 MNLF fighters, 20 sundalo, anim na pulis at 15 sibilyan habang marami pa ang nasugatan.
- Latest