Kidney ng bata na namatay sa paputok idinonate ng magulang

MANILA, Philippines - Nais ng magulang ng 12-anyos na lalaki na namatay sa paputok na magkaroon ng kabuluhan ang pagkamatay ng kanilang anak kaya’t nagpasiya na i-donate ang ng kidney sa mga nangangailangan.

Bagama’t ikinalungkot ng Department of Health (DOH) ang pangyayari kay John Kenneth Deniega  na una nang dineklarang comatose ay nagpasalamat naman ang kagawaran sa naging desisyon ng magulang ng nasawing si John Kenneth.

Magugunita na matinding pinsala ang tinamo ni John Kenneth at kalaro na si Mar Jayson Gatos,11-anyos na nawalan ng kaliwang mata at naputulan ng dalawang kamay matapos na sumabog ang mga inipon na hindi pumutok na paputok sa kanilang lugar sa Brgy. Balumbato, Quezon City noong Enero 2.

 

Show comments