Mister todas sa pulis

MANILA, Philippines - Todas ang isang mister makaraang manlaban sa mga tauhan ng Quezon City Police (QCPD) na nagsasagawa ng surveillance operation sa lungsod, kamakalawa ng  hapon.

Sa ulat ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang nasawing mister na si Akmad Silonagin, alyas Ben Bingi, 32, may-asawa, electrician at residente sa Kabuhayan St., RP, Brgy. Gulod, Novaliches.

Ayon kay SPO1 Pascual Fabreag, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa #020 Florentina St., RP, Brgy. Gulod, Novaliches, ganap na alas-4:30 ng hapon.

Nagsasagawa ng surveillance operation ang mga tauhan ng QCPD station 4, sa pangunguna ni SPO1 Rodel Deogracias sa naturang lugar hingil sa shooting incident na nangyari noong December 31, 2013 na ikinasawi ng isang Tahir Unting.

Habang naglalakad ang mga pulis patungo sa bahay ng suspek nang bigla umano silang paputukan.

Nagsipagdapaan ang mga awtoridad hanggang sa napilitang gumanti na rin ng putok laban sa mga suspek na ikinasawi nito.

Narekober ng awtoridad sa nasawing mister ang isang kalibre .45 baril.

 

Show comments