^

Police Metro

Paalala sa mga deboto ng Black Nazarene Aral ni Kristo isabuhay -Tagle

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga deboto ng Black Nazarene na isabuhay ang aral ng Panginoong Hesu-Kristo.

Ayon kay Cardinal tagle, dapat ay sundin ang pagiging mabuti at kapita-pitagan sa kapwa ng bawat deboto ng itim na Nazareno.

 Binigyang diin pa ni Tagle na ang pagiging magalang at matulungin sa kapwa ay nangangahulugan nang hindi pananamantala, pagnanakaw o pag-iisip ng masama sa ibang tao.

 Aniya, marami sa mga deboto ang pakitang tao lamang ang kanilang pagiging mabait sa kapwa.

Sa January 9, pangungunahan ni Archbishop Tagle ang banal na misa bago ang pagsisimula ng prusisyon mula Luneta hanggang Quiapo Church.

 Ayon naman kay Manila Police  District- Deputy District Director for Operations Sr. Supt. Joel Coronel,  magkakaroon ng sapat na augmentation sa pista ng Quiapo mula sa  MPD, NCRPO at Armed Forces of the Philippines (AFP).

 

ARCHBISHOP TAGLE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BLACK NAZARENE

DEPUTY DISTRICT DIRECTOR

JOEL CORONEL

MANILA ARCHBISHOP LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE

MANILA POLICE

OPERATIONS SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with