Rider todas sa nagwalang kalabaw

MANILA, Philippines - Bumagsak ang dalawang lalaki na ikinasawi ng driver habang nasu-gatan ang angkas nito nang bumaliktad ang minamanehong motorsiklo matapos na magwala habang nakatali ang isang kalabaw sa Brgy. Bunguiao, Zamboanga City kamakalawa.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Zamboanga Medical Center sanhi ng pagkabagok ng ulo ay kinilalang si Jaymin Francisco.

Nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan  ang backrider nitong si Norvin Francisco, isa nitong kamag-anak na nagtamo naman ng malubhang sugat sa katawan sa insidente.

Sa ulat ng Zamboanga City Police, dakong alas-11:00 ng tanghali nang mangyari ang sakuna sa highway ng Sitio Manga sa Brgy. Bunguiao ng lungsod.

Nang marinig ng nasabing hayop ang ingay at busina ng paparating na Honda (JL 6188) na minamaneho ni Jaymin ay bigla itong nagwala.

Dahilan para bumaliktad ang motorsiklo at nabagok ang ulo.

Show comments