^

Police Metro

8 naaagnas na bangkay sa laot

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuan ng mga otoridad ang 8 naaagnas na bangkay ng lalaki na ang lima dito ay pawang pugot ang ulo sa lumulutang na pumpboat sa karagatan ng Brgy. Manicahan, Zamboanga City kamakalawa.

Kinilala ang walo na sina Mursid Ambasali, Jimmy Sannayani, Benjie Sannayani, Piyad Sannayani, Palaji Sannayani, Jeffrey Sannayani, Palari Buyong at Maastal Jaolani; pawang ng Sitio Seaside, Barangay Sangali, Zamboanga City. 

Batay sa ulat, bandang alas-5:30 ng hapon nang marekober ng mga otoridad na nagsasagawa ng patrulya sa karagatan ang 8 bangkay na naaagnas sa  isang lumulutang na pumpboat na nagkabutas-butas dahil sa tama ng mga bala.

Malaki ang paniwala ng  mga otoridad na ang walong bangkay ay kabilang sa siyam na minasaker na Badjao na pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan habang nangingisda sa karagatan ng Payao, Zamboanga Sibugay noong Disyembre 25, 2013.

Sa teorya ng mga otoridad, isang grupo ng mga rebeldeng Muslim ang nasa likod ng karumaldumal na masaker sa mga Badjao matapos na rumesbak sa pagkakapatay naman ng isa nilang kaanak na ang pinaghihinalaang may kagagawan ay ang nasabing mga Badjao.

Ang insidente ay ini-report sa mga otoridad ng dalawang kasama ng mga nasawi na nakaligtas sa insidente matapos na magpatay-patayan at naglangoy patungo sa dalampasigan matapos na makaalis na ang mga salarin.

Inilagak na sa punerarya ang mga natagpuang mga bangkay.

 

vuukle comment

BADJAO

BARANGAY SANGALI

BENJIE SANNAYANI

JEFFREY SANNAYANI

JIMMY SANNAYANI

MAASTAL JAOLANI

MURSID AMBASALI

PALAJI SANNAYANI

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with