Policewoman binaril ng 3 snatcher

MANILA, Philippines - Isang babaeng pulis na miyembro ng Southern Police District (SPD) ang nasugatan nang barilin ng tatlong lalaking snatcher na humablot sa kanyang shoulder bag habang sakay ng kanyang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Malate, Maynila.

Ang biktima na ginagamot  sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan  ay kinilalang si PO1 Janille Glaiza Lazarette, 27-anyos.

Sa ulat dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay sakay ang biktima sa motorsiklo at nakahinto kahabaan ng Quirino Ave., kanto ng Taft
Ave., dahil sa red light.

Habang nakahinto ay nilapitan ang biktima ng tatlong lalaki na tumatawid sa lugar nang biglang hablutin ang shoulder bag kung kaya’t nanlaban ito, subalit bumunot ng baril ang mga suspek at binaril ang una.

Mabilis na tumakas ang tatlong suspek.-Ludy Bermudo-(Kimberly Mata, Anna Katrina, Quiamco, Annadian Rivera-Trainees)

Show comments