Hindi na makaya ang ipinagagawa...pinay inireklamo ng rape ang nobyong arabo

MANILA, Philippines - Hindi na umano nakayanan ng isang 28-anyos na dalaga ang apat na araw na pagtatalik nila ng nobyong Arabo na kung saan ay kung anu-ano ang ipinagagawa sa kanya na kalaswaan sa kama kaya’t nagsampa ng reklamong rape sa pulisya.

Ang suspek na inaresto ng pulisya ay kinilalang si Mustafa Al Shangiti, pansamantalang nanunuluyan sa City Garden Suites, Mabini St., Ermita, Maynila.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang “Gigi” na naging nobyo niya ang Arabo nang makilala niya ito sa isang Shawarma House sa Malate.
Pumayag umano siyang magsama sila sa tinutulu­yang hotel noon Disyembre 29 hanggang Enero 2, 2014 dahil mabait naman at inakala niyang mapapangasawa upang maiahon siya sa hirap.

Sa loob ng apat na araw nilang pagsasama ay naranasan nito ang pagiging sadista at ang pambababoy sa kanyang pagkababae  at hindi na niya nais pa na pakasalan ito dahil sa pahirap sa kaniya sa pagtatalik nila.

“Kung anu-ano ang ipinapagawa ng Arabo sa biktima at sa kagustuhan naman niya na mapaligaya yung Arabo dahil inakala niyang seseryusuhin siya kaya ginagawa niya ang anumang ipinag-uutos nito kahit sinasaktan
pa siya,” wika ni PO2 Edith Chavez, isa sa dumakip sa dayuhan.-Ludy Bermudo-(Kimberly Mata, Anna Katrina, Quiamco,  Annadian Rivera-Trainees)

Show comments