^

Police Metro

Pinoy sa Saudi dinakip sa pagpatay

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga otoridad sa Saudi Arabia ang isang Pinoy dahil sa umano’y  pagpatay sa kanyang Saudi sponsor noong nakalipas na linggo.

Sa ulat ng Arab News, ang nasabing Pinoy na hindi binanggit ang pakakakilanlan at nagtatrabaho bilang isang driver ay dinakip ng Riyadh Police  matapos ang umano’y pagpatay sa isang 56-anyos na Saudi national dakong alas- 4:00 ng hapon noong Disyembre 29 sa Riyadh.

Tumakas ang nasabing Pinoy driver matapos ang krimen, subalit agad din siyang nasukol ng mga security officers ng Sulaimaniya Police sa Riyadh pagkaraan ang ilang oras.

Sa inisyal na pasisiyasat, nakatanggap ng impormayon ang pulisya na may alitan umano ang biktima at ang nasabing Pinoy na siyang sinisilip na motibo ng pamamaslang.

Kinukumpirma na ng Department of Foreign Affairs ang nasabing ulat at ang pakakakilanlan ng Pinoy upang mabigyan ng kaukulang tulong.

 

vuukle comment

ARAB NEWS

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DISYEMBRE

INARESTO

KINUKUMPIRMA

PINOY

RIYADH

RIYADH POLICE

SAUDI ARABIA

SULAIMANIYA POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with