MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na lalaki ang nasawi nang masabugan ang mukha nito ng improvised na “boga†na kanyang pinaputok noong Bagong Taon sa Brgy. Lamot 2, Calauan, Laguna.
Ang nasawi ay kinila-lang si Raymond Amante, residente ng Sitio Hardinan, Brgy. Lamot 2, Calauan ng lalawigan.
Sa ulat na tinanggap ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Pascual Muñoz, dakong alas-5:00 ng umaga nitong Enero 1 nang maisipan ng biktima at ng kapatid nitong lalaki na paputukin ang natitira pa nilang bombshell o mas kilala bilang “boga†na gawa sa PVC pipe.
Nang papaputukin ang boga ay hindi kaagad ito pumutok kaya sinilip ng biktima ang dulo nito nang eksakto namang sumabog na sumapol sa kanyang mukha.
Naisugod pa sa pagamutan ang biktima, subalit nasawi rin dahilan sa grabeng sugat na tinamo sa pagsabog.
Magugunita na ang boga ay isa sa ipinagbabawal na paputok ng PNP at maging ng Department of Health (DOH) lubha itong mapanganib gamitin na bukod sa nakamamatay ay posible ring ikabulag o ikaputol ng kamay ng sinumang masasabugan nito.