Akala ay paputok, bomba na pala... 7 todas sa New Year’s Eve bombing
MANILA, Philippines - Dalawang oras bago sumapit ang Bagong Taon ay niyanig ng pagsabog ang isang lugar malapit sa simbahan na ikinasawi ng pitong katao at pagkasugat ng malubha ng limang iba pa kamakalawa ng gabi sa Brgy.Tumahubong, SumiÂsip, Basilan.
Kinilala ni Army’s 104th Infantry Brigade at Task Force Basilan Commander Col. Carlito Galvez ang limang nasawi noon din na sina Rey Limben, Kitarul Kaddik, Leniebel Cisneros, Lourdes Ablong at Elbert Gomoba habang namatay ang daÂlawa kahapon ng umaga na sina Elbert Gomoba Jr., at Jessa Dingkong na sa Zamboanga City Hospital habang nilalapatan ng lunas.
Ang limang nasuÂgatan ay sina Janice Dingcong, Rening Dingcong; pawang magkakamag-anak at tatlong iba pa kabilang ang dalawang menor-de-edad.
Sa imbestigasyon, dakong alas-10:20 ng gabi nang mangyari ang pagsabog sa isang mataong komunidad malapit sa Vicente Parish Church sa Zone 6, Brgy. Tumahubong, Sumisip ng lalawigan nang sumambulat ang Improvised Explosive Device (IED) may ilang metro ang layo sa bahay ni Wikwik Haison, driver ng kura paroko sa may basketball court na nagkataong nagsasaya ang mga residente na naghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Noong una ay inakala ng mga residente na firecracker o paputok lamang ang sumabog at nagulantang ang mga ito ng maÂdiskubreng isa pala itong uri ng eksplosibo.
Sa pahayag naman ni Basilan Provincial Police Office P/Sr. Supt. Mario Dapilloza, sinabi nito na patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang mabatid kung anong uri ng eksplosibo ang ginamit sa pagpapasabog na ang hinihinalang may kagagawan ay mga Abu Sayyaf Group (ASG).
Kinuha na rin ng mga bomb expert ng PNP at ng tropa ng militar ang mga naiwang nagkapirapirasong sangkap sa sumabog na eksplosibo upang maisailalim sa pagsusuri.
- Latest