MANILA, Philippines - Hindi matanggap ng isang 15-anyos na binatilyo ang pagkastigo sa kanya ng magulang matapos hindi magpaalam na pupunta sa party ng barkada kung kaya’t nagawa nitong kitilin ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kamakalawa sa kanilang bahay sa bayan ng Sibutad, Zamboanga del Norte.
Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang madiskubre ng magulang ang pagbibigti ng anak na si Jonel Basilan Anore sa silid ng kanilang bahay na matatagpuan sa Purok VI, Brgy. Poblacion, Sibutad.
Sa teorya ng pulisya, pinaniniwalaang nagbigti si Jonel sa pagitan ng alas-7:00 at alas-8:00 ng gabi base sa kondisyon ng bangkay nito na sinuri ng nagrespondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO).
Nabatid na pinagalitan ng kaniyang mga magulang ang biktima dahilan sa pag-alis nito ng walang paalam matapos na makipag-party sa kaniyang mga kaibigan.
Nagkulong umano ang biktima sa kaniyang silid at nang katukin ng magulang para anyayahan na kumain ng almusal ay hindi nagbukas ng pinto kaya’t napilitan ang magulang na buksan at tumambad ang nakabigting anak.